Home
Announcement
Info
Barangay Officials
Contact
Barangay San Rafael
ANNOUCEMENT
LATEST ANNOUNCEMENT IN OUR BARANGAY
PAGKUKUMPARA NG KOLEKSYON SA PASSWAY NG TRUCK
Narito ang pagkukumpara ng koleksyon o kinita ng Barangay San Rafael mula sa mga truck na dumadaan sa ating barangay sa pagitan ng Disyembre 2022 at Disyembre 2023. #SerbisyongSiguradoKayoAngPanalo #WoWSanRafael
2024-01-10
READ MORE
PAGKUKUMPARA NG KOLEKSYON SA PALENGKE
Narito ang pagkukumpara ng koleksyon o kinita ng Barangay San Rafael mula sa mga umuupa sa Palengke ng Barangay San Rafael sa magkaparehong buwan ng Disyembre ng magkaibang taon (December 2022 vs. December 2023). #SerbisyongSiguradoKayoAngPanalo #WoWSanRafael
2024-01-12
READ MORE
FINANCIAL TRANSPARENCY - FEBRUARY 2025
FINANCIAL TRANSPARENCY - Narito ang kabuuang koleksyon ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael para sa buwan ng Pebrero taong 2025 na may kabuuang halaga na Php 622,221.00. Kapansin-pansin ang pagtaas ng ating koleksyon mula sa mga trucks na dumadaan sa ating barangay na ngayon ay may halagang Php 206,650.00 mula sa dating Php 184,650.00 lamang noong nakaraang buwan. Mayroon namang malaking pagbaba ng koleksyon sa Business Permits na ngayon ay may halagang Php 171,064.00 mula sa Php 790,200.00 na koleksyon noong nakaraang buwan. Ito ay dahil ang kasagsagan ng pagre-renew ng mga permits at clearances ng iba't ibang establisyemento, mga negosyo at kabuhayan sa buong bayan ng Montalban ay ginaganap tuwing buwan ng Enero kada taon. Gayun pa man, bahagya namang tumaas ang koleksyon mula sa prangkisa ng mga pampasadang motorsiklo na ngayon ay may halagang Php 24,660.00 mula sa dating Php 21,000.00 lamang. Patuloy naman ang paglikom natin ng sapat na halaga mula sa Barangay Clearances/Certifications na ngayon ay may halagang Php 32,240.00 bagamat may bahagyang pagbaba mula sa dating Php 37,990.00 dahil na rin sa epekto ng pagbaba ng bilang ng mga kumukuha ng business permits at requirements sa empleyo. Sa kabila nito, patuloy parin namang nananatiling libre ang mga Certificate of Indigency at Barangay ID sa ating barangay. Tuloy-tuloy parin ang ating pagsisinop ng koleksyon mula sa pamilihang barangay o talipapa na ngayon ay may halagang Php 104,758.00 mula sa dating Php 130,628.00. Ang pagkakaiba ng koleksyon dito ay bunsod ng delinquencies o pagka-delay ng pagbabayad ng ibang may-ari ng pwesto dahil sa mababang kita sa buwan ng Pebrero. Ang tapat na paglalahad ng mga koleksyong ito ay patuloy nating isinasagawa dahil sa pangakong responsable, malinis at masinop na pamamahala ng ating Kapitan KonsiKap Judith Cruz kasama ang Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan ng San Rafael at maging ng mga tapat na kawani ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael. Makakaasa ang ating mga kabarangay na patuloy tayong maglalabas ng ulat sa pananalapi ng ating Pamahalaang Barangay ng San Rafael bilang bahagi ng ating pangako na maghatid ng Serbisyong Sigurado, Kayo ang Panalo! #SerbisyongSiguradoKayoAngPanalo #WowSanRafael
2025-03-12
READ MORE
PUNONG BARANGAY
BARANGAY OFFICIALS
Hon. Judith G. Cruz
PUNONG BARANGAY
Hon. Raphbert P. Aquino
KAGAWAD
Hon. Edgar V. Sison
KAGAWAD
Hon. Imelda R. Ayuson
KAGAWAD
Hon. Marlo C. Lentijas
KAGAWAD
Hon. Ricky J. San Pascual
KAGAWAD
Hon. Rommel G. Francisco
KAGAWAD
Hon. Sonny C. Dela Cruz
KAGAWAD
Hon. Ernesto Sarmiento
IP REPRESENTATIVE
Hon. Maui Joie J. Santos
SK CHAIRMAN
Hon. Arabella E. Bautista
SK KAGAWAD
Hon. Mark Alvin A. Alvarez
SK KAGAWAD
Hon. Lara Mae D. Junsay
SK KAGAWAD
Hon. Marielle Joy P. San Pascual
SK KAGAWAD
Hon. Joey Boy A. Olores
SK KAGAWAD
Hon. Reyna N. Mendiola
SK KAGAWAD
Hon. Jhochelle Jhon Jhovan Bacoy
SK KAGAWAD
CONTACT US
Brgy San Rafael, Montalban, Rizal
+(63)9663305054
(02)84752619
barangaysanrafaelmontalban@gmail.com